- Mandate
- Vision
- Mission
DWNE TeleRadyo is mandated under the Provincial Government of Nueva Ecija (PGNE) to provide broadcast information on the activities, policies and directions of the provincial government thru the use of broadcast media throughout the Nueva Ecija and neighboring provinces.
DWNE Teleradyo intends to be the binding force between the people and the local government units working in harmony with the provincial government in order to fully achieve progressive development in Nueva Ecija through responsible broadcast media.
- Abide by the gender-responsive international covenants and authoritative national Code of Ethics for media practitioners.
- Move as one team in unity with the Provincial Government of Nueva Ecija headed by the incumbent Governor Aurelio M. Umali in their consistent adherence to the principles of good governance.
- Understand at all times that professional media work means constantly educating oneself to achieve the utmost goal of serving the best interest of the people of Nueva Ecija.
Â
NEWS
NUEVA ECIJA TREATMENT AND MONITORING FACILITY PINASINAYAAN
Ulat ni Maureen Pagaragan
Pinasinayaan kamakailan ang Nueva Ecija Treatment and Monitoring Facility na nasa ELJ Memorial Hospital Compound, Daang Sarile,Cabanatuan City.
Nakiisa sa pagpapasinaya si Regional Director Dr. Corazon Florez Department of Health Region 3, Dr. Edwin Santiago DOH Provincial Director Office, Dr. Hubert Lapuz ng PJG Hospital, at iba pa. Pinangunahan naman ni Father Arnold Abrlardo ang pagbabasbas sa nasabing gusali.
Ang pasilidad ay sinimulang ipagawa taong 2020 at natapos noong 2021. Ito ay dalawang palapag na may lawak na 270 Square Meters na mula sa pagtutulungan ng Department of Health at ni Governor Aurelio Oyie Umali.
Ayon kay Dr. Josefina Garcia, Provincial Health Office Chief ito ay ipinagawa para magamit sa mga mamamayan na apektado ng Covid 19 at iba pang mga inpectious deseases.
Ang Treatment Facility ay maaaring maglaman ng tatlumput dalawang pasyente ng covid 19 na pangangasiwaan ng Provincial Health Office at ng ELJ Memorial Hospital.Â
Samantala may panawagan pa din si Dra Garcia sa mamamayan na dapat ay patuloy parin sa pagsunod sa mga health protocol at magpabakuna na ang mga wala pang bakuna dahil mayroon paring banta ng covid 19 sa lalawigan at sa buong bansa.###
Â
Â
TRABAHO, NEGOSYO, KABUHAYAN JOB FAIR 2022 SA ARAW NG NE, DINAGSA
Ulat ni Candy Gonzalez
Dinagsa ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job Fair sa Walter Mart, Cabanatuan City nitong Sept. 2, 2022.
Ang nasabing job fair ay isa sa mga aktibidad na isinagawa sa selebrasyon ng Ika-126th Unang Sigaw ng Nueva Ecija.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office katuwang ang DOLE, DTI, TESDA, OWWA, PHILHEALTH, SSS at ilang miyembro ng Nueva Ecija Federation of PESO Managers, Inc., nagkaroon ng katuparan ang gawaing ito na pinilahan ng mga Novo Ecijano.
Maraming aplikante ang nagtungo sa job fair bitbit ang pag-asang makakakuha sila ng trabaho.
Dama ng bawat isa ang pagmamalasakit ng Administrasyong Umali sa kanila kung kaya’t hindi nila sinayang ang pagkakataong inilaan para sa kanila upang makakita ng trabaho.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga aplikanteng nagtungo sa okasyon lalo na kina Gov. Oyie M. Umali at Vice-Gov. Anthony M. Umali. ###
PAMBATO NG SAN JOSE CITY WAGI BILANG BB NUEVA ECIJA 2022
MAUREEN PAGARAGAN
Itinanghal na Bb Nueva Ecija 2022 ang tinaguriang Black Barbie na si Princess Bredonia Lazaga Mula Brgy Sibut , San Jose City . Ang pinal na anunsyo at pagpuputong ng korona ay ginanap sa Convention Center nitong August 31, 2022.
Isinagawa ang patimpalak sa layunin na makapili ng Novo Ecijanang may katangian na exceptionally empowered Filipina at pinaka nararapat na kumatawan sa lalawigan sa mga National Pageants.
Sa 23 tatlong kandidata ng BB. Nueva Ecija ipinakita ni Lazaga ang kanyang angking ganda at talino upang maging inspirasyon ng lalawigan hindi lamang sa mga beauty pageants kundi maging sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Mahigit isang buwan ang naging preparasyon at maraming aktibidad ang pinagdaanan ng mg kandidata ng Binibing Nueva Ecija. Dumaan sa ibat ibang larangan ng kumpetisyon ang mga kalahok bago ang finals at coronation night.
Kasama dito ang Press Presentation at Casual Attire na Ginanap Noong July 29, 2022 sa SM City Cabanatuan. Ang Swimsuit Competition na ginanap sa Highland Bali, Pantabangan Nueva noong August 11, 2022. Ginanap naman ang Talent Competition noong August 20, sa SM Cabanatuan. Ang Provincial Costume naman ay ginanap noong August 23, sa Lunsod Agham ng Munoz. Sa pagitan nito ay ibat ibang mga aktibidad pa ang kanilang nilahukan.
Kabilang sa mga kinoronahan si Michela Nicole Rivera ng Science City of Muñoz nilang Bb. Nueva Ecija Tourism 2022 – Aaliyah Jewel Suni-en ng bayan ng Llanera bilang Bb. Nueva Ecija Culture & Heritage 2022 1st Runner-up – Xandra Loi Guingon 2nd Runner-up – Patricia Convento na kapwa Cabanatuan City at 3rd Runner-up – Jessica Peralta ng San Isidro.###