Nakipag-ugnayan ang Nueva Ecija Public Employment Services Office o NE PESO sa Philippine Overseas Employment Office o POEA para sa pagkakaroon ng oportunidad magkapagtrabaho sa ibayong bansa ang mga Novo Ecijano.
Sa huling tala, bukas ang mga job opportunities sa bansang Germany para sa 600 registered nurses. Ito ay sa pakikipagtulungan sa The lnternational Placement Service of the German Federal Employment Agency (ZAVIBA).
Sa pamamagitan ng isang government to government arrangement, ang mga registered nurses ay pwedeng mapunta sa alinman sa general ward, medical and surgery ward, heart surgery, pediatrics and neonatology, intensive care unit, operating room, geriatric care, nursing home, elderly care, neurology, orthopedics and related fields at psychiatry.
Ang ibang detalye ay tatalakayin sa isang orientation sa March 2, 2022, 9AM sa Provincial Auditorium, Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City.
Ang recruitment proper ay sa parehong venue at oras din gaganapin sa March 3, 2022.
Ang mga nabanggit sa una ay bahagi ng pagsusumikap ni Gov Oyie Umali at Vice Gov Doc Anthony Umali na matulungang mabigyan ng hanapbuhay ang ating mga kababayan dito man o sa abroad.