GOV.PH

Philippine Standard Time

Thursday, March 30, 2023, 1:10:57 am
News and Announcements > AYUDANG BIGAS NG PGNE, TINANGGAP NG MGA RESIDENTE NG SAN PABLO BATA AT SAN PABLO MATANDA, ALIAGA

AYUDANG BIGAS NG PGNE, TINANGGAP NG MGA RESIDENTE NG SAN PABLO BATA AT SAN PABLO MATANDA, ALIAGA

Makikita ang saya sa mukha ng mga taga- Brgy. San Pablo Bata, at Brgy.San Pablo Matanda Aliaga nang muli silang makatanggap ng ayudang bigas na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueba Esiha sa tagubilin nina Governor Oyie Umali at Vice Governor Anthony Umali kahapon, Marso 8, 2022. Maaga silang gumising at excited na naglabas ng mga upuang paglalagyan ng bigas. Itinuturing nilang isang malaking pagpapala ang biyayang natanggap. Walang pinili, walang nilagpasan. Ipinamahagi sa 1155 kabahayan ang sako-sakong bigas.