GOV.PH

Philippine Standard Time

Saturday, June 22, 2024, 11:53:54 am
News and Announcements > 764 SAKO NG BIGAS, PINAMIGAY NG KAPITOLYO SA MGA RESIDENTE NG BRGY. SAN ANTONIO WEST, LUPAO

764 SAKO NG BIGAS, PINAMIGAY NG KAPITOLYO SA MGA RESIDENTE NG BRGY. SAN ANTONIO WEST, LUPAO

2-Lupao

Nakatanggap muli ng biyaya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang mga taga- Brgy. San Antonio West, Lupao, Nueva Ecija, ngayong araw, March 10, 2022.

Ramdam ang pagmamahal ng ama ng lalawigan Gov. Aurelio M. Umali at Vice Gov. Anthony Umali ng mga Novo Ecijanong nahatiran ng sako-sakong bigas sa ilalim ng Rice Distribution Program ng Kapitolyo.

Nasa 764 sako ng bigas ang naipagkaloob sa bawat bahay at lubos ang pasasalamat ng bawat isa sa ayudang kanilang natanggap.